^

PM Sports

Eala swak sa WTA MIP award list

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinangalanan na ng Women’s Tennis Association (WTA) ang mga no­minado para sa Most Im­proved Player of the Year award.

Kasama si Pinay netter Alex Eala sa listahan ng mga players na gumawa ng ingay at nakitaan ng mala­king pag-unlad sa kanilang mga laro at ranking.

Kasama rin sa mga ina­nunsiyo ng WTA para sa 2026 WTA Player Awards ang mga kandidato sa Pla­yer of the Year, Doubles Team of the Year, Newco­mer of the Year at Comeback Player of the Year.

Ilan sa mga naging ba­sehan ng WTA ang ta­gumpay ni Eala sa season na ito kabilang na ang pagkopo ng kaniyang kauna-unahang WTA Tour title ma­tapos magkampeon sa Mubadala DC Opan sa Washington, D.C.

Kasama pa rito ang ka­niyang pagpasok sa fourth round ng Wimbledon kung saan tinalo nito sa third round si 2025 Wimbledon champion Iga Swiatek ng Poland.

Nakapasok din si Eala sa semis ng 500 Berlin Open sa Germany at ASB Classic sa New Zealand at ang kaniyang runner-up sa Hong Kong Open.

Mayroon din itong 7-3 rekord laban sa mga Top 10 players sa WTA ranking.

Magarbong tinapos ni Eala ang season tangan ang career-high No. 15.

Nasa listahan din sina No. 10 Marta Kostyuk, No. 11 Diana Shnaider, No. 13 Iva Jovic at No. 16 Sorana Cirstea.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with