^

Metro

12-anyos ginahasa, stepdad timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
12-anyos ginahasa, stepdad timbog
Sa ulat ng Southern Police District (SPD), sa pamamagitan ng Pateros Municipal Police Station (MPS), ang 34-anyos na suspek ay nakatakdang isalang sa inquest proceedings sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 8353, o Anti-Rape Law of 1997.
Pixabay / Stock

MANILA, Philippines — Arestado ang isang stepfather sa reklamong panggagahasa sa 12-anyos na anak nang iwan ng tiyahin sa kanyang bahay, sa Pateros, Metro Manila, noong Nobyembre 18.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), sa pamamagitan ng Pateros Municipal Police Station (MPS), ang 34-anyos na suspek ay nakatakdang isalang sa inquest proceedings sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 8353, o Anti-Rape Law of 1997.

Naghain ng pormal na reklamo ang tiyahin ng 12-anyos na biktimang dalagita sa pulisya matapos malaman ang insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, iniwan ang biktima ng kanyang tiyahin sa tirahan ng nanay kung saan kinakasama ang suspek.

Pinakahuling insidente ang nangyari noong Nob. 18, nang masolo ng suspek ang biktima at sinamantala ang paglabas ng bahay ng nanay ng biktima na may binili lamang.

Kasama lamang umano ng biktima ang suspek sa nasabing bahay ng mga oras na isinagawa ang pang-aabusong sekswal.

Nang malaman ang insidente, agad na hu­mingi ng tulong sa pulisya ang tiyahin ng biktima, kaya nagsagawa ng kaukulang aksyon ang mga rumespondeng personnel ng Pateros MPS, na nagresulta sa pag-aresto sa suspek sa kanilang tirahan.

Lumabas sa karagdagang imbestigasyon, nadiskubre apat na beses nang nangyari ang pang-aabuso sa bata. Una umano noong Nob. 7 na tatlong beses nangyari ang pang-aabuso habang nasa trabaho ang ina at kahit kinagabihan din, na nasundan pa ulit noong Nob. 18.

Ang biktima ay dinala sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Pateros MPS para sa tamang dokumentasyon at disposition at ini-refer din sa Taguig-Pateros District Hospital na nagkumpirmang nagkaroon ng lacerations sa pribadong parte ng katawan ng bata.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with