^

Metro

127 motorista, nahuli ng LTO sa drunk driving

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
127 motorista, nahuli ng LTO sa drunk driving
Ayon sa LTO, bahagi ito ng pinaigting na operas­yon ng ahensya laban sa mga driver na lumalabag sa batas kontra drunk driving upang maiwasan ang mga aksidente at maprotektahan ang buhay ng mga gumagamit ng kalsada.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Aabot sa 127 motorista ang nahuli ng Land Transportation Office (LTO) matapos magpositibo sa Alcohol Breath Analyzer (ABA) test o mapatunayang nagmamaneho sa ilalim ng impluwensiya ng alak ngayong taon.

Ayon sa LTO, bahagi ito ng pinaigting na operas­yon ng ahensya laban sa mga driver na lumalabag sa batas kontra drunk driving upang maiwasan ang mga aksidente at maprotektahan ang buhay ng mga gumagamit ng kalsada.

Tiniyak ni LTO Chief Markus Lacanilao na sinusunod ng mga tauhan ng ahensya ang mga itinakdang pamantayan at proseso sa pagsusuri at paghuli sa mga pinaghihinalaang nagmamaneho nang nakainom.

Binigyang-diin ni Lacanilao na hindi titigil ang kanilang operasyon at pagpapaalala sa mga motorista dahil pangunahing layunin ng ahensya na matiyak ang kaligtasan ng publiko.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with