Liza, rumampa sa Governors awards ng Oscars!

Rumampa si Liza Soberano sa 2026 Governors Awards, kung saan nakasama niya ang ilan sa pinakamalalaking bituin ng Hollywood sa red carpet ng taunang seremonyang inorganisa ng Academy (Oscars) sa Los Angeles, California.
At kabilang siya sa mga agaw-pansin dahil sa suot niya na powder-blue long gown ng designer na Yara Shoemaker. Si Yukari Obayashi Bush naman ang nag-make up sa actress.
At nakasabay pa ni Liza sa red carpet ang mga sikat na Hollywood celebrities kabilang sina Emma Stone, Timothée Chalamet, Zendaya, Tom Holland, Charlize Theron, Andrew Garfield, Pedro Pascal, Florence Pugh at Glenn Close.
Ang Governors Awards ay inorganisa ng Academy—ang nagpapatakbo rin ng Oscars.
At least hindi nawawalan ng ganap si Liza sa kanyang patuloy na pagtahak ng career sa Hollywood.
Masasabing ang major project niya sa kasalukuyan, matapos layasan ang career sa bansa ay ang Forgotten Island ng DreamWorks Animation.
Sila rin ni H.E.R. ang umawit ng BRB na nakatanggap ng dalawang nominasyon sa 2026 Hollywood Music in Media Awards – sa mga kategoryang Song – Animated Film at Music Video.
Bukod pa sa kanyang gagawing scripted comedy series ng Audible na The Moons of LA.
May gagawin din siyang pelikula, ang Imprint, kung saan tatayo rin siyang executive producer.
Habang may collab sila ng Oscar-winning British documentary filmmaker Orlando von Einsiedel para sa global advocacy/advocacy campaigns na nakatuon sa documentary cinema at human connection.
- Latest























