^

Metro

4 na miyembro ng robbery holdup group nadakip sa Taguig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
4 na miyembro ng robbery holdup group nadakip sa Taguig
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Apat na pinaniniwalaang miyembro ng isang armed robbery group ang nadakip ng pulisya sa Taguig City, nitong Lunes ng hapon.

Sa inisyal na ulat ni Taguig City Police Station chief, PCol. Julius Anonuevo, ang apat na indibidwal ay inaresto sa isinagawang follow-up operation sa layuning mapigilan ang pagsasagawa ng panghoholdap at iba pang krimen, kasunod ng naging engkwentro ng kanyang mga tauhan sa dalawang holdaper.

Dakong alas-3:00 ng hapon ng Nobyembre 16, 2026 nang masakote ang apat sa Barangay Sta. Ana, Taguig, ng mga tauhan ng Taguig CPS.

Narekober mula sa mga suspek ang 3 motorsiklo, 2 baril, na hinihinalang gamit sa pagsasagawa ng krimen.

Matatandaang noong Huwebes, Nobyembre 12, nang maka-engkwentro ng Taguig police ang isang alyas “Flor”, na nasawi at natuklasang lider ng carnapping at robbery group.

Nasawi din ang kasama niyang holdaper na kasabwat sa panghoholdap ng kwintas ng  isang intelligence officer na nakasuot sibilyan sa Pedro Cayetano Boulevard at Bagong Calzada, Brgy. Ususan, Taguig City.

Sugatan ang isang rumespondeng pulis sa pakikipagbarilan sa mga suspek.

Iniutos naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PBGen. Christopher Abrahano ang pagtugis sa mga kasamahan sa grupo ng mga suspek.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with