Jake, may birthday pakilig kay Rabiya

Nagpakilig ang magdyowang sina Jake Cuenca at Rabiya Mateo sa kanilang fans sa pagdiriwang ng kaarawan ng Kapuso actress/beauty queen nitong Sabado, Nov. 14.
Sa Instagram account ng aktor, ang tamis ng pagbati niya sa girlfriend.
“It’s always the little things that make life special. I hope I made your day just a little more special you, @rabiyamatteo,” simula ng mensahe ni Jake.
Sinabi rin niya kung gaano siya ka-proud kay Rabiya at siyempre, ipinagsigawan din niya ang kanyang pagmamahal sa GF.
“HBD, Rabiya. I’m so proud of the woman you are and all that you’re becoming. I hope this year brings you more reasons to smile, more moments of peace, and all the happiness your heart deserves.
“I love you, and I’ll always be rooting for you,” sey ni Jake.
Ang sweet din naman ng sagot ni Rabiya sa pagbati ng BF.
Aniya, “Thank you for always making me feel loved, supported, and special. I’m so lucky to have you. I love you always.”
PBB housemates, may proseso ang pag-uwi
Hindi pala pwedeng basta umuwi sa kanilang bahay ang mga nae-evict na housemates sa Pinoy Big Brother.
Sa kanyang X account, nagbigay ng detalye ang isa sa long-time Pinoy Big Brother (PBB) host na si Bianca Gonzalez sa proseso na ginagawa ng kanilang team sa housemates right after na ma-evict ang mga ito.
Ayon sa host, ang unang ginagawa raw ng PBB team ay kakausapin muna ang evicted housemates upang ipaalam sa kanila ang mahahalagang nangyari sa outside world habang sila ay nasa loob ng bahay.
Kabilang dito ang mga balita na kailangan nilang malaman, pati na rin ang positive at negative feedback at impressions ng viewers tungkol sa kanilang naging journey sa programa.
“To all the new fans and viewers of PBB, we would like you to know that right after eviction, the process is that our team talks to the evictees first to tell them about everything that happened in the outside world while they were inside... the news that they have to know, the good and bad feedback and impressions of viewers,” pagbabahagi ni Bianca.
Kung kinakailangan, mayroon din daw psychologist na nakahandang makipag-usap sa ex-housemates upang matulungan silang maproseso nang maayos ang kanilang emosyon at karanasan.
“And if needed, there is a psychologist to help them process their feelings,” patuloy niya.
Kapag na-clear na ang evicted housemates, saka pa lang daw ito pwedeng makauwi at humawak ng kanilang telepono.
“Once cleared, they can go home with their loved ones and only then will they have access to their phones,” pagbabahagi niya.
Aniya pa, bago pa man daw makita ng evictees ang anumang reaksyon ng netizens sa online ay sila na ang unang magpapaalam sa mga ito at tiniyak niyang nandiyan ang PBB team upang gumabay at umalalay sa kanila.
“So even before they see anything online, nandito ang PBB nakaalalay sa kanila at gumagabay. Before, during, and after their stay in the PBB house,” pahayag ng TV host.
Samantala, sina Calix Esguerra ng Kapamilya team at Ethan Benares ng Kapuso team ang dalawang unang evictees ng PBB Celebrity Collab 3.0 sa first eviction night na ginanap last Saturday.
- Latest




















