^

Police Metro

24K pulis ikakalat sa 49th ASEAN Summit - NCRPO

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaabot sa 24,000 pulis ang ipapakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa kaligtasan ng mga delegado sa  gaganaping 49th ASEAN Summit and Related Summits  na gaganapin bukas, ­Nobyembre 16  hanggang Nobyembre 18.

“All-set na ang NCRPO para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits para sa November 16-18,” ani NCRPO spokesperson PLt Col. Hazel Asilo.

Ayon kay Asilo, nasa 20,000  pulis ang ikinalat ng NCRPO habang nasa 4,000 na augmentation ang  mula sa Regions 3, 1, at 4A. Nakatutok naman ang mga tauhan ng Police Security and Protection Group (PSPG) sa pagi­ging close-in security ng mga delegates.

Maging ang mga International Media Center ay dadaan sa  inspeksiyon ng K9  at  PNP Explosive and Ordnance Disposal (EOD) units.

Kaugnay nito, sinabi ni Asilo na bagamat wala silang namo-monitor na anumang banta patungkol sa ASEAN Summit, patuloy  pa rin ang ginagawang intel monitoring at pag-a-assess ng kanilang natatanggap.

Muli ring nagpaalala ang NCRPO sa mga raliyista na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng protesta malapit sa ASEAN Summit venue.

Nilinaw naman ni Asilo na wala pang inilalabas na abiso hinggil sa signal jamming.

Idineklara ng Malacañang na walang pasok mula Nobyembre 16 hanggang 18 sa NCR.

ASEAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with