^

Punto Mo

Babae na maraming mickey mouse tattoo, nagtala ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa North Carolina, U.S.A. ang nagtala ng Guinness World Records matapos magpatattoo ng 83 Mickey Mouse designs sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Si Andrea Schmidt Timmons ang kinilala para sa official title na “most tattoos of the same cartoon character on the body (female)”.

Ipinanganak si Andrea sa Ulm, Germany noong 1967 at lumipat sa USA kasama ang kanyang ina noong siya’y anim na taong gulang. Noon niya unang nakilala si Mickey Mouse sa pamamagitan ng mga palabas sa telebisyon.

Ayon kay Andrea, agad siyang nahilig kay Mickey dahil sa pagiging masayahin nito. Sa mga panahong nakararanas siya ng mga problema, sinabi niyang nakapagpapangiti sa kanya ang panonood kay Mickey. Habang lumalaki, nagsimula siyang mangulekta ng Mickey Mouse memorabilia gaya ng stuffed toys, posters at iba pang items. Kalaunan, dinala niya ang kanyang pagkahilig kay Mickey sa mas permanenteng paraan, sa pamamagitan ng tattoos.

Ang kanyang unang tattoo ay classic Mickey Mouse na may red shorts, yellow shoes at white gloves, na ipinalagay niya sa kanyang kanang bisig. Mula roon, patuloy na dumami ang kanyang tattoos hanggang umabot sa 83. Mayroon siyang Mickey Mouse tattoo sa kanyang braso, kamay, likod at iba pang bahagi ng katawan.

Sa kanyang kaliwang braso ay makikita ang iba’t ibang bersiyon ng character mula sa iba’t ibang panahon, kabilang ang Steamboat Willie, ang unang screen appearance ni Mickey Mouse, at isang wizard version nito na mapapanood sa The Sorcerer’s Apprentice. Sa kanyang likod naman ay may mga tattoo ng original Mickey Mouse sketches mula noong 1920s. Mayroon din siyang napakaliit na Mickey tattoo sa kanyang kanang sentido, na itinuring niyang finishing touch sa kanyang collection.

Paborito ni Andrea ang kanyang German-themed Mickey tattoos dahil nagpapaalala umano ang mga ito sa kanyang pinagmulan at kultura. Kabilang dito ang isang Mickey na may katabing salitang “Mickey Maus,” ang German name ng character.

Sa kabila ng kanyang matagal nang pagkahilig kay Mickey Mouse, sinabi ni Andrea na hindi pa siya nakakapunta sa Disney World.  Isa sa kanyang bucket list ang madala roon ang kanyang pamilya at makapagpa-picture  kasama si Mickey Mouse sa harap ng castle.

Sinabi rin nito na wala pa siyang planong tumigil sa pagpapa-tattoo at patuloy pa niyang dadagdagan ang kanyang Mickey Mouse collection.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with