^

Metro

Binatilyo bali ang braso sa checkpoint

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Hinataw ng rifle ng pulis

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang mga pulis sa Bali­wag, Bulacan matapos­ ireklamo dahil sa umano’y pananakit sa isang 17-anyos na binatil­yo sa isang checkpoint na walang signage noong Oktubre 31, 2026.

Sa reklamong inihain ng ama ng biktima, nabalian umano ng braso ang binatilyo matapos hampasin ng riple ng isang pulis nang hindi ito huminto sa checkpoint sa kahabaan ng Bypass Road sa pagitan ng Baliwag at Pulilan.

Ayon sa salaysay ng ama, magkaangkas sa motorsiklo ang kanyang anak nang madaanan ang dalawang pulis na nakatayo sa gilid ng kalsada. Dahil nakalam­pas umano ang isa pang motorsiklo nang hindi pinahihinto, nagpatuloy rin sa biyahe ang kanyang anak, ngunit hinampas ito ng isang pulis gamit ang mahabang baril.

Dahil sa takot, nagtangka umanong tumakas ang magkaangkas ngunit kalaunan ay naharang din ng mga pulis. Bukod sa umano’y pananakit, hiniling din ng ama na papanagutin ang mga pulis na hindi umano umaksiyon na mabigyan ng kaukulang atensyong medikal ang kanyang anak.

Ayon kay NAPOLCOM Commissioner Rafael Vicente Calinisan, sisiguraduhin nilang mananagot ang sinumang mapatutunayang may sala. Binigyang-diin niya na dapat may malinaw na palatandaan, maayos na pamamahala at sapat na ilaw ang isang checkpoint.

NAPOLCOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with