^

Police Metro

Nanay putol ang kamay sa taga ng anak

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naputol ang kanang-kamay at sugatan ang ilang bahagi ng katawan ang isang 70-anyos na ina nang ito pagtatagain ng sariling anak sa Brgy.Pinagbobong, Tabaco City, Albay, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na inoobserbahan ang kalagayan sa pagamutan ay kinilalang si Alicia habang inaresto at nahaharap sa kasong frustrated parricide ang anak na si Juaquin, 48-anyos, magsasaka, kapwa residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat, alas-2:20 ng hapon ay umuwing lasing ang suspek at inabutang nasa labas ng kanilang bahay ang ina.

Dito ay sinita umano ng ina ang anak sa kanyang paglalasing na ikinagalit nito na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng itak ang huli at pinagtataga ang una na naging dahilan para maputol sa kanang kamay nito.

Humingi ng saklolo ang mga kapitbahay sa pulisya na rumesponde at inaresto ang suspek na nabawi ang itak na ginamit sa pananaga.

Nadiskubre pa ng mga pulis na may naunang mga kaso na ang suspek na alarm and scandal at frustrated murder.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with