^

Metro

Pulong, pinai-inhibit si Matibag sa Gracioso probe

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hiniling ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang pag-inhibit ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa imbestigasyon kaugnay ng mga alegasyon ng nadismis na dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr. laban sa pamilya Duterte.

Sa pahayag na ipinost sa kanyang Facebook account, sinabi ni Duterte na ang kahilingan ng kanyang kampo ay hindi upang hadlangan ang imbestigasyon kundi upang matiyak na magiging patas, walang kinikilingan at kapani-paniwala ang proseso.

Ayon kay Duterte, naghain na ang kanyang mga abogado ng pormal na kahilingan dahil naniniwala silang may bias si Matibag. Tinukoy niya ang naunang pahayag ng NBI director na “99%” umanong totoo ang alegasyon ni Gracioso kahit hindi pa nagsisimula ang imbestigasyon at bago pa nila natanggap ang kopya ng reklamo.

Sa alegasyon ni Gracioso, sinabi nitong naghatid umano siya ng maleta ng pera kay Vice President Sara Duterte na galing umano kay dating Speaker Lord Allan Velasco at konektado umano sa maano­malyang flood control projects. Itinanggi naman ito ng kampo ng Bise Presidente at sinabing bahagi lamang ng paninira sa kanyang kredibilidad ang nasabing paratang.

MELVIN MATIBAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with