Tiangco, walang alam sa cash delivery kay Romualdez
MANILA, Philippines — Inamin ni Navotas Rep. Tobias “Toby” Tiangco na wala siyang personal na kaalaman o direktang ebidensiya sa umano’y paghahatid ng pera kay dating House Speaker Martin Romualdez, batay sa kanyang testimonya sa Sandiganbayan nitong Martes.
Sinabi ni Tiangco na natukoy niya ang tinatayang P26 bilyong halaga ng mga proyektong nakapangalan kay Romualdez matapos suriin ang mga Excel file na ipinadala ng yumaong dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral at mga dokumentong nakuha umano niya kay Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez.
Kabilang sa mga proyekto ang mga inilaan sa Davao City at Davao del Norte na wala sa distrito ni Romualdez sa Leyte. Itinuring niya itong mga “red flag” dahil sa kahina-hinalang lokasyon at halaga, ngunit inamin na sariling pagsusuri at interpretasyon lamang ang kanyang mga konklusyon. Nilinaw rin niyang hindi nangangahulugang tumanggap ng komisyon ang isang mambabatas dahil lamang nakatala ito bilang proponent ng proyekto.
Kinumpirma rin ni Tiangco na lumahok siya sa pagbuo ng 2025 national budget bilang vice chairperson ng House appropriations committee at bumoto pabor dito.
- Latest




















