82-anyos ina todas sa bugbog ng anak
Nagtalo sa susi ng pinto
MANILA, Philippines — Patay na nang madiskubre ng isang barangay kagawad ang isang 82-anyos na babae matapos na bugbugin ng sariling anak dahil sa mainitang pagtatalo noong Biyernes ng hapon sa loob ng bahay nito sa Brgy. Esperanza, Pilar, Sorsogon.
Ang nasawing biktima ay kinilala sa alyas na “Lola Maring”, isang retiradong guro; habang umamin sa krimin ang nito na si “Willy”, 46-anyos, binata, kapwa residente ng naturang lugar.
Lumalabas sa imbestigasyon, alas-7:00 ng umaga noong Sabado ay nagulantang ang isang barangay kagawad nang pumasok siya sa bahay at tumambad ang duguan at wala nang buhay na biktima na nakahandusay sa sahig.
Agad tumawag sa Pilar Municipal Police Station ang kagawad at rumesponde ang pulisya.
Habang iniimbestigahan ang suspek ng mga pulis tungkol sa pangyayari ay agad umamin na siya ang nakapatay sa sariling nanay.
Sa salaysay ng anak sa pulisya, alas-5:30 ng hapon noong Biyernes ay nagkaroon umano sila nang pagtatalo ng ina dahil hinihingi nito ang susi ng bahay para makalabas na ayaw niyang ibigay.
Sa gitna nang pagtatalo ay itinulak umano siya ng ina dahilan para magdilim ang kanyang paningin at sa galit ay pinagsusuntok niya ito sa mukha at ulo na ikinasawi nito.
Dahil sa pag amin ay agad inaresto ng mga pulis ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.
- Latest















