^

Police Metro

Mag-ama pinatay sa loob ng bahay

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa wala nang buhay­ nang matagpuan ang isang 48-anyos na ama at kanyang 22-anyos na anak na babae sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Dezlas Alas, GMA, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na sina Carl, 48- anyos at anak nito na si Angel, 22-anyos, kapwa residente ng lugar.

Sa ulat ng pulisya, alas-3:00 ng hapon nang madiskubre ang krimen  matapos na hindi umano sumasagot ang mag-ama sa tawag sa telepono ng misis nito na si alyas “Juliet,” 48-anyos na nagtatrabaho sa Maynila.

Kaya’t tinawagan ni Juliet ang kapatid nito na si alyas “Rosa” upang  alamin kung bakit hindi mga sumasagot sa tawag ang kanyang mag-ama.

Pagdating sa bahay ni alyas “Rosa,” ay sinilip nito mula sa bintana ang loob ng bahay hinggil sa walang sumasagot sa katok nito.

Kinuha nito ang kanyang cellphone at ipinasok sa bintana at binidyuhan na kung saan ay nakita niya ang paa ng pamangkin sa sahig na nakahandusay.

Kaya’t binasag niya ang jalousie window upang makapasok at mabuksan­ ang pangunahing pinto at doon niya nakita ang mag-ama na nakahandusay ma­lapit sa kusina at banyo.

May mga sugat ang mga ito sa katawan, ina­alam pa ng pulisya kung mga tama ito ng saksak.

Wala pang natukoy na salarin sa insidente at pa­tuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with