^

Police Metro

Mister ni VP Sara, gigisahin sa ‘unexplained wealth’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang gisahin ng prosecution panel si Atty. Manases “Mans” Carpio kaugnay ng ‘unexplained wealth’ o paglobo ng kayamanan ng kanyang misis na si Vice President Sara Duterte kaugnay ng pagpapatuloy muli ng paglilitis laban sa huli sa Senate impeachment court.

Ito’y kaugnay ng posibleng pagpiprisinta ng defense panel ni VP Sara sa mister nitong si Carpio partikular na sa pinansyal na transaksiyon at mga ari-arian ng mag-asawa sa alegasyon ng paglobo ng kayamanan ng mga ito na pumalo na  sa P817.87 milyon.

Sa agresibong pagtaya ni financial forensic expert Atty. Alexander Cabrera ay aabot sa P1.5 bilyon ang hindi maipaliwanag na kayamanan ng mag-asawang Duterte at Carpio.

Inihayag ni pro­secution Spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa  na si VP Sara ang pumirma sa kaniyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na nasa P98 mil­yon at hindi naideklara ang nasa P100-M batay sa pag-aanalisa sinabi ni Cabrera sa pag-aanalisa sa mga dokumento sa mga pinansyal na transaksyon.

Ayon kay Tolosa, handang-handa ang pro­secution panel na kuwestiyunin si Carpio kapag nagdesisyon ang defense panel ni VP Sara na tawagin bilang testigo ang mister nito.

CABRERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with