^

Police Metro

60 pamilya nawalan ng bahay sa sunog

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 60 pamilya o 180 residente ang nawalan ng mga bahay nang masunog ang 25 kabahayan sa Barangay 91, Tondo, Maynila, Sabado ng madaling-araw.

Batay sa Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department, sumiklab ang sunog alas-3:36 ng madaling-araw na mabilis na kumalat at agad itinaas sa ikatlong alarma dakong 3:52 ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection Manila Station 1, idineklarang fire under control pagsapit ng alas-4:57 ng umaga at tuluyang naapula alas-6:10 ng umaga at walang iniulat na nasugatan o nasawi sa insidente

Sinabi ng BFP na ­naging hamon sa pag-apula ng apoy ang malakas na hangin mula sa katabing ilog na na­ging dahilan ng mabilis na pagkalat ng apoy at makikipot na eskinita at looban na malayo ang distansya sa mga fire trucks.

BFP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with