Grade 10, sinaksak ng kapwa estudyante
MANILA, Philippines — Isang 15-anyos na Grade 10 student ang nasugatan nang saksakin sa likod gamit ang basag na bote ng softdrinks ng isang 18-anyos na kapwa estudyante sa Alvear Street, Barangay Poblacion, Lingayen, nitong Huwebes ng hapon.
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-4:00 ng hapon ay pauwi na ang biktima kasama ang tatlo pang kaklase nang biglang lapitan at saksakin ng suspek sa likod bago tumakas patungong karatig-bayan ng Binmaley.
Kaagad nilang isinugod ang biktima sa Lingayen District Hospital para sa paunang lunas bago inilipat sa isang ospital sa San Carlos City para sa karagdagang gamutan.
Naaresto ng mga pulis ang suspek sa kanyang bahay matapos ang pagtugis dito.
- Latest



















