^

PSN Palaro

Wemby bumandera sa paglusot ng Spurs sa Mavs

Pilipino Star Ngayon
Wemby bumandera sa paglusot ng Spurs sa Mavs
Ang two-handed slam dunk ni 7-foot-4 Victor Wembanyama ng San Antonio Spurs matapos makalusot sa Dallas Mavericks.

SAN ANTONIO — Hu­ma­kot si Victor Wembanyama ng mga career highs na 52 points at 24 rebounds bukod sa walong blocks para gabayan ang Spurs sa 112-111 paglusot sa Dallas Mavericks.

Naglista ang 7-foot-4 na si Wembanyama ng 29 points, 15 rebounds at limang blocks sa first half para maging unang player simula nang magsimula ang NBA play-by-play era noong 1996-1997 na nagtala ng higit sa 25 points, 10 rebounds at limang blocks sa first half.

Umiskor si Fil-Am Dylan Harper ng 21 points at nag­kadena si Stephon Castle ng 17 points at 10 rebounds para sa ikaanim na sunod na ratsada ng San Antonio (6-2).

Naimintis ni Kyrie Irving, bumira ng 29 points, ang kanyang 15-foot, turnaround jumper sa natitirang tatlong segundo sa huling po­sesyon ng Dallas (4-4).

Nagdagdag si Naji Marshall ng 22 points para sa Mavericks at may 21 at 19 markers sina P.J. Washington at Cooper Flagg, ayon sa pagkakasunod.

Sa iba pang laro, wagi ang Philadelphia 76ers sa Detroit Pistons, 112-106; din­agit ng Atlanta Hawks ang Washington Wizards, 120-105; tinalo ng Boston Celtics ang Milwaukee Bucks, 109-102; dinaig ng Brooklyn Nets ang Charlotte Hornets, 114-104; pi­­natumba ng New York Knicks ang Chicago Bulls, 135-105; nirapido ng New Orleans Pelicans ang Utah Jazz sa overtime, 120-113; lusot ang Indiana Pa­cers sa Memphis Grizzlies, 107-103; pinapak ng Minne­sota Timberwolves ang Houston Rockets, 117-107;  gi­niba ng Denver Nuggets ang Toronto Raptors, 128-109; nanaig ang Los An­geles Lakers sa Sacra­mento Kings, 116-103; at si­nunog ng Miami Heat ang Los Angeles Clippers sa overtime, 117-116.

VICTOR WEMBANYAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with