^

PSN Palaro

Eala sinibak si Jones sa HK Open

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Eala sinibak si Jones sa HK Open
Alexandra Eala
STAR/ File

MANILA, Philippines —Winalis ni Pinay tennis star Alexandra Eala si lucky loser Emerson Jones ng Australia, 6-4, 6-3, para sumampa sa Round of 16 ng Prudential Hong Kong Tennis Open kahapon sa Victoria Park Tennis Stadium.

Hindi na nabawian ng World No. 17 na si Eala si World No. 65 Alycia Parks ng USA na umatras ilang minuto bago ang kanilang rematch dahil sa kanyang right shoulder injury sa nasabing WTA 250 event.

Nauna nang sinibak ni Parks si Eala sa first round ng nakaraang Australian Open.

Nagmula naman ang 18-anyos na si Jones sa 4-6, 2-6 kabiguan kay Russian Alexandra Shubladze sa final round ng qualifiers noong Linggo bago pinalitan si Parks.

Kinuha ng 21-anyos na si Eala ang first set, 6-4, bago ilista ang 5-1 bentahe sa second frame.

Nakabawi ang World No. 132 na si Jones sa sumunod na dalawang laro para makalapit sa 3-5.

Tuluyan nang tinapos ni Eala ang kanilang laro ni Jones sa 6-3 papasok sa Round of 16 kung saan niya makakalaban bukas ang 19-anyos na si Czech Tereza Valentová na tu­malo kay Japanese Himeno Sakatsume, 6-3, 7-5.

Sa 2025 Hong Kong Open umabante rin si Eala sa Round of 16 bago natalo kay third seed Viktoria Mboko ng Canada, 6-3, 3-6, 4-6.

Hangad ni Eala na makabawi mula sa mga nakaraang kabiguan niya sa Singapore Open, Wuhan Open, Ningbo Open at Toray Pan Pacific Open.

Sa Toray Pan Pacific Open sa Tokyo, Japan yumukod si Eala kay eventual champion Diana Shnaider sa quarterfinals.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with