^

Probinsiya

5 ‘Gapos Gang’ todas sa Cavite shootout!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

Natunugang may papasuking subdibisyon

CAVITE, Philippines — Limang hinihinalang miyembro ng kilabot na “Gapos Gang” ang kumpirmadong patay matapos na makaengkwentro ng mga pulis nang matunugan na may papasukin silang subdibisyon sa Molino 3, Bacoor City, kahapon ng hapon.

Ayon kay Cavite Provincial Police Office Director PCol. Ariel Red, limang suspek kabilang ang isang pulis na AWOL (absent without official leave) ang nasawi sa palitan ng putok sa ikinasang operasyon ng pulisya na pinamunuan msimo ni Bacoor City Police Chief PLt. Col. Alexie Desamito.

Sa inisyal na ulat, sinabi ni Col. Red na plano ng nasabing robbery group na magsagawa umano ng “akyat-bahay” sa isang exclusive subdivision sa kahabaan ng Molino Boulevard nang mamataan ng mga awtoridad.

Dahil dito, biglang nagkaroon ng habulan nang magtangkang tumakas ang mga suspek sakay ng kotse, at nagkaroon umaatikabong palitan ng putok alas-4 ng hapon nitong Martes.

Sa kasagsagan ng running gun battle, na­laglag ang isa sa mga suspek sa sasakyan at napuruhan sa barilan.

Sumirko naman hanggang sa tumaob ang kanilang get away vehicle ng mga suspek sa highway nang bumangga sa mga concrete barrier sa bilis ng kanilang patakbo sanhi upang makorner na sila at dalawa sa sakay nito ang napatay sa barilan.

Dalawa pang kasamahan ng mga suspek na tumakas at nagtangkang mag-agaw ng motorsiklo ang naabutan at napaslang sa barilan ng mga humahabol na pulis.

Ayon sa pulisya, da­lawa sa mga suspek ay kasama sa nanloob sa kilalang jewelry shop sa General Mariano Alvarez, Cavite at ang isa ay AWOL na pulis.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkaka­kilanlan ng mga suspek na iniuugnay rin sa mga naganap na nakawan sa mga jewelry at pawnshops sa probinsya at ilang karatig lugar.

GAPOS GANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with