Drone bawal sa Makati City ngayong Nobyembre
MANILA, Philippines — Ipinagbawal ng pamahalaang lungsod ng Makati ang pagpapalipad ng mga drone at iba pang unmanned aerial vehicles (UAVs) sa buong lungsod sa buong buwan ng Nobyembre bilang bahagi ng pinaigting na seguridad para sa pagho-host ng Pilipinas sa ika-49 na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Sa public advisory na inilabas nitong Lunes, Nobyembre 2, sinabi ng Makati City Government na mahigpit na ipatutupad ang pagbabawal sa lahat ng operasyon ng drone sa loob ng nasasakupan ng lungsod.
Layunin ng hakbang na matiyak ang kaligtasan ng mga dayuhang pinuno ng estado, dignitaryo, international delegates, at mga residente sa panahon ng mga pagpupulong at aktibidad na may kaugnayan sa ASEAN Summit.
Saklaw ng pagbabawal ang lahat ng barangay at pampublikong lugar sa Makati, kabilang ang paggamit ng drone para sa libangan, komersyal na operasyon, at pagbabalita o media coverage.
Hinimok naman ng lokal na pamahalaan ang mga may-ari ng drone, hobbyists at iba pang residente na makipagtulungan at sumunod sa kautusan. Gaganapin ang ika-49 na ASEAN Summit sa Pilipinas mula Nobyembre 16 hanggang 18, 2026.
- Latest


















