^

Pang Movies

Relasyon nina Herlene at Kevin, sa pustahan nagsimula

CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Relasyon nina Herlene at Kevin, sa pustahan nagsimula
Kevin at Herlene
STAR / File

Masayang binalikan ng Kapuso actress na si Herlene Budol at ng kanyang nobyo, ang Thai-Irish model-actor at Manhunt International 2024 titleholder na si Kevin Dasom, ang simula ng kanilang kuwento ng pag-ibig.

Ang GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit ang naging daan para magkakilala sila.

Inamin ng dalawa na hindi sila agad nakaramdam ng atraksyon sa isa’t isa noong una silang magkita. Ayon kay Kevin, nakatutok lamang ang kanyang isip sa ginagawang audition.

Ibinahagi naman ni Herlene na tila “mayabang” ang naging unang impresyon niya sa nobyo dahil hindi raw ito palabati sa set noong araw na iyon. “Kasi parang wala man lang siyang binabati na, ‘Huy, hello po, kumusta po kayong lahat d’yan,’” biro ng aktres.

Pabiro namang sinabi ni Kevin na si Herlene ang unang nahulog sa kanyang charms.

Ipinaliwanag naman ni Herlene na dare lamang ng kanyang mga kasamahan ang lahat sa simula.

“It’s not fall agad. Dare lang ‘yon nung una. Parang na-dare ako na, ‘Kaya mo bang awrahan si Kevin?’” pabalik na kwento ng Kapuso star.

Subalit ayon kay Kevin, unti-unti ring lumalim ang kanyang damdamin para sa aktres nang magsimula silang magkasama sa labas ng trabaho at nang mas makilala niya ito pati na ang kanyang pamilya.

“When I fell for you, it’s when we hung out together a lot outside of work. I met your family and I saw the ins and outs of all your relationships and how you do things,” pahayag ng aktor.

Jay R at Lil’ Eddie, nag-collab sa bakit...

Naglabas si R&B singer Jay R ng Taglish version ng hit niyang Bakit Pa Ba kasama ang multi-awarded Filipino-Puerto Rican singer-songwriter at producer na si Lil’ Eddie.

Naging hit single ang Bakit Pa Ba noong 2003 na mula sa debut album ni Jay R titled Gameface.

Available na ang bagong version sa lahat ng digital music platforms worldwide, kung saan nanatili ang orihinal na emotional soul ng kanta habang dinagdagan ng English lyrics.

Nabuo ang kolaborasyon habang nagto-tour sina Jay R at Lil’ Eddie sa Pilipinas para i-promote ang duet nilang Statue (Taglish Version).

“I’ve wanted to create a Taglish version of Bakit Pa Ba for years, and fans have been asking for it too. Lil’ Eddie’s talent and musicality made him the perfect collaborator to bring this vision to life,” sabi ni Jay R.

Nanatili sa bagong version ang emosyonal at suwabeng dating na nagpatatak sa Bakit Pa Ba sa karera ni Jay R, habang dinagdagan ng English lyrics na bumagay sa Tagalog passages nito.

HERLENE BUDOL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with