^

Metro

Focus crimes sa Metro Manila, bumaba ng 32.99% – NCRPO

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumaba ng 32.99 porsiyento ang mga focus crime sa Metro Manila matapos maitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 65 insidente mula Oktubre 25 hanggang 31, kumpara sa 97 noong nakaraang linggo.

Iniugnay ng NCRPO ang pagbaba sa pina­igting na operasyon ng limang police district. Nagsagawa ang mga ito ng 212 operasyon kontra ilegal na droga na nagresulta sa 262 aresto at pagkakasamsam ng droga na nagkakahalaga ng P7 milyon. Nasa 182 operasyon kontra ilegal na sugal naman ang nagbunga ng 437 aresto at pagkakasamsam ng P101,670 na bet money.

Nagsagawa rin ang pulisya ng 62 operasyon laban sa loose firearms na nagresulta sa 54 aresto at pagkakasamsam o pagsuko ng 59 baril. Umabot sa 315 ang naarestong wanted persons, kabilang ang 104 most wanted. Tumaas din sa 86.15 porsiyento ang Case Solution Efficiency ng NCRPO mula sa dating 77.32 porsiyento.

Ayon kay NCRPO chief PBGen. Christopher N. Abrahano, kailangang ipagpatuloy ang mahigpit na operasyon, disiplina, at mabilis na pagtugon ng mga pulis upang mapanatili ang pagbaba ng krimen. Hinimok niya ang mga police commander na huwag maging kampante at tiyaking maaasahan ang serbisyo ng pulisya para sa kaligtasan ng mga residente sa MM.

NCPRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with