^

Metro

Maynila at DOH, may libreng flu vaccine sa mga senior

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naghatid ng libreng bakuna kontra trangkaso ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila at Department of Health (DOH) sa mga senior citizen at iba pang vulnerable sector sa Baseco, Maynila nitong Biyernes, Oktubre 30.

Pinangunahan nina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Health Secretary Dr. Edwin Mercado ang pagbabakuna sa Amadome Court, kung saan target na mabakunahan ang 200 senior citizen sa unang yugto ng programa. Nangako rin ang DOH na maglalaan ng karagdagang suplay ng bakuna para sa iba pang komunidad sa lungsod.

Ayon kay Mercado, bahagi ito ng pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan sa ilalim ng Universal Health Care (UHC). Inihayag din niyang dadagdagan mula 75 tungo sa 135 ang mga libreng gamot na ipagkakaloob sa mga taga-Maynila sa susunod na taon, kabilang ang insulin, thyroxine, at mga gamot para sa family planning.

Iniulat naman ni OIC-City Health Officer Dr. Grace Padilla na sa 2,800 naitalang kaso na sinuri mula sa mga pribado at pampublikong ospital, 87 ang kumpirmadong influenza. Dahil dito, hinikayat niya ang mga senior citizen at iba pang kabilang sa mga vulnerable sector na magpabakuna upang makaiwas sa malubhang komplikasyon ng sakit.

Saklaw ng libreng bakunahan ang mga senior citizen, buntis, may mahinang resistensiya, nasa hustong gulang na may comorbidities, health worker at frontline personnel. Tiniyak ng DOH na ligtas at epektibo ang bakuna, habang nangako ang lokal na pamahalaan na patuloy na palalawakin ang mga programang pangkalusugan para sa mga residente.

DOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with