^

Police Metro

Bisperas ng Undas: 2 milyong dagsa sa sementeryo, terminal, pantalan

Ludy Bermudo, Angie dela Cruz - Pang-masa
Bisperas ng Undas: 2 milyong dagsa sa sementeryo, terminal, pantalan
Sa Manila North Cemetery, ang pinakamalaking sementeryo sa bansa, ay tinatayang nasa 500,000 ang bumisita, bago pa ang All Saints Day sa Nobyembre 1 at All Souls Day, sa Nob. 2.
The Philippine STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Aabot sa 2-milyon ang mga taong nagtungo sa mga sementeryo, mga pantalan, bus terminals at airports sa buong Metro Manila nitong Sabado, bisperas ng Undas.

Sa Manila North Cemetery, ang pinakamalaking sementeryo sa bansa, ay tinatayang nasa 500,000 ang bumisita, bago pa ang All Saints Day sa Nobyembre 1 at All Souls Day, sa Nob. 2.

Bukod pa ito sa libu-libong naitala na dumalaw sa mga puntod sa Manila South Cemetery, Manila Chinese Cemetery, Paco Park,  na pawang nasa Maynila.

Gayundin ang La Loma Cemetery na nasa boundary ng Santa Cruz, Manila at South Caloocan.

Ang Libingan ng mga Bayani, Manila American Cemetery and Memorial, Heritage Park, sa Taguig; Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque; Loyola Memorial Park sa Marikina; Golden Haven sa Las Piñas, Everest Hills Memorial Park sa Muntinlupa; Holy Cross Memorial park at Himlayang Pilipino sa Quezon City; Eternal Gardens sa South Caloocan; Ever Memorial Garden sa Valenzuela.

Dinagsa rin nitong Sabado ang Bagbag Public Cemetery, Baesa Cemetery, Tala Cemetery, Sangandaan Cemetery, sa Quezon City; San Roque Cemetery, San Felipe Neri, Aglipay Cemetery.

Ngayong Linggo, Nob. 1, inaasahang mas matao ang mga nasabing sementeryo at mga columbaria.

Samantala, sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na pinakamarami ang dumaraan para magbiyahe patungong lalawigan ay tinatayang 1.2 milyon na ang naitala simula Okt. 25 hanggang nitong Sabado.

Bukod pa ito sa mga nasa pantalan, airports at iba pang mga terminal ng bus.

Kaugnay nito, naka-full alert at todo-bantay ang nasa 13,000 pulis na ipinakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila upang matiyak ang kaayusan ng paggunita sa panahon ng Undas.

Ayon kay NCRPO spokesperson PLt. Col. Hazel Asilo, nasa 12,848 police personnel ay nakakalat sa iba’t ibang panig ng Metro Manila habang nasa 183 police assistance desks (PADs) ang itinayo sa mga sementeryo at  transport terminals para umalalay sa publiko.

ALL SAINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with