^

Police Metro

MRT-3, may libreng sakay sa mga kabataan sa Nobyembre 4

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magandang balita dahil pagkakalooban ng Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT-3) ng libreng sakay ang mga kabataan sa Nobyembre 4, araw ng Miyerkules.

Sa abiso ng MRT-3, nabatid na ang free ride ay ipagkakaloob para sa mga kabataang 17-taong gulang pababa, bilang bahagi ng pakikiisa nila sa pagdiriwang ng National Children’s Month sa susunod na buwan.

Ayon sa DOTr, ang libreng sakay ay maaaring i-avail mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Ang MRT-3 ay ­bumabagtas sa kahabaan ng EDSA, mula Taft Avenue, Pasay City hanggang North Avenue, ­Quezon City.

DOTR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with