^

Probinsiya

Safety certificate ng barko sa Quezon, sinuspinde ng Marina

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na muna makakapag-operate ang MV Virgen de Peñafrancia II na tumagilid sa karagatang sakop ng Real, Quezon kahapon matapos na suspindihin ng Maritime Industry Authority (Marina) ang safety certificate nito.

Sa abiso ng Marina, nabatid na mismong si Transportation Secretary Vince Dizon ang nag-utos sa suspensiyon ng Passenger Ship Safety Certificate (PSSC) ng naturang barko.

Habang suspendido ang PSSC, hindi muna maaaring mag-operate ang barko habang nakabinbin pa ang isang masusing safety inspection at technical evaluation upang i-assess ang seaworthiness nito.

Sa inisyal na ulat ng Marina, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-12:25 ng madaling araw, ng isang mooring line ang maputol dahil sa malakas na alon, na nagdulot ng pagtagilid ng barko.

Tatlong katao ang nasugatan sa naturang insidente.

MARINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with