RoRo tumagilid: 2 sanggol, 56 pa nasagip

MANILA, Philippines — Tinatayang 58 indibidwal ang nasagip,kabilang ang dalawang sanggol nang tumagilid na roll-on/roll-off (RoRo) sa Real, Quezon nitong madaling araw ng Biyernes.
Sa pahayag ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, na lulan ng MV Virgen de Peñafrancia II ang 40 pasahero at 18 crew members na kung saan ay kargang 1,300 litro ng langis na nasa distansya na 10 metro mula sa Real Port sa Barangay Ungos, Real, Quezon, nang tumagilid alas-12:44 ng Oktubre 30.
Agad na isinagawa ang rescue operation na natapos bandang alas-3:30 ng madaling araw.
Ang sangkot na barko ay pag-aari ng ng Starhorse Shipping Lines Inc., ay patungo sa Real Port, na nagmula Polillo Port na may kargang 14 na rolling cargoes.
Inatasan na ng PCG ang shipping company na mag-apply ng Emergency Salvage Permit at alisin nang ligtas ang barko.
Ani pa ni Cayabyab, may kargang 1,300 na marine oil ang RoRo, na natural na natutunaw naman ay naglatag pa rin ang PCG ng oil spill booms para protektahan ang baybayin.
Nagsasagawa pa ng imbentaryo ng diesel upang matukoy ang posibleng idulot na polusyon.
- Latest















