Bulldogs gustong makabawi sa talo
MANILA, Philippines — Nasa isip ng National University na makabangon mula sa pagkakadapa upang makabalik sa porma sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament.
Makakatapat ng NU ang University of Sto. Tomas ngayong alas-2:30 ng hapon kasunod ng laro ng defending champion De La Salle University at Ateneo de Manila University sa alas-6 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Pakay ng Bulldogs na palakasin ang kapit sa second spot sa hawak na 6-3 karta s ailalim ng University of the Philippines na may 7-2 record.
Nilapa ng Bulldogs ang Growling Tigers, 87-85, sa overtime sa first round mula sa game-winning triple ni Reinhard Jumamoy.
Magkasosyo ang UST at Adamson University sa No. 6 hawak ang parehong 4-5 karta.
Iisa naman ang nasa isip ng Green Archers at Blue Eagles at ito ay ang pahabain ang kanilang winning streak sa tatlo.
Tangan ang magkatulad na 5-4 baraha, nakasiksik ang La Salle at Ateneo sa three-way tie sa third spot kasama ang FEU.
- Latest






















