^

Police Metro

Jinggoy, Bong, atbp nahatiran ng maleta at kahon

Angie dela Cruz - Pang-masa
Jinggoy, Bong, atbp nahatiran ng maleta at kahon
Former Department of Public Works and Highways (DPWH) undersecretary Roberto Bernardo admits to wrongdoing in connection with anomalous flood control projects during the Senate Blue Ribbon Committee hearing at the Senate in Pasay City on September 25, 2025
STAR / Jesse Bustos

Ibinunyag ng aide ni Bernardo…

MANILA, Philippines — Ibinunyag kahapon ng dating aide ni ex-DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na si Vergel Nino Garcia sa kanyang pagtestigo sa Sandiganbayan Fifth Division na nagsasagawa ng mga pagdinig sa bail petition ni Senador Jinggoy Estrada na siya ay nagdeliber ng mga maleta at kahon dito at maging kina dating Senador Bong Revilla, dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, at sa tatlong iba pa.

Ang nasabing division ng Sandigan na nagsasagawa ng mga pagdinig sa bail petition ni Estrada kaugnay ng P573-milyong kasong plunder dahil sa umano’y mga kickback mula sa mga flood control projects sa gobyerno.

Ayon kay Garcia, nag­hatid siya ng 12 kahon kay Estrada sa Artiaga Building sa San Juan City noong Nobyembre 2024 sa utos ni Bernardo.

Kasama nito ang driver ni Bernardo na si Francisco dela Fuente at hindi umano sila kumuha ng anumang litrato o video ng paghahatid at hindi rin nila nakita ang laman ng mga kahon.

Sinabi rin ni Garcia na naghatid siya sa mga sumusunod na indibidwal tulad nina Revilla ng hanggang 12 kahon, Bonoan na 15 kahon, dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral – isang kahon at isang paper bag, dating Education Undersecretary Trygve Olaivar na walong maleta at 15 kahon

Binanggit din nito sa kanyang pagtestigo na gumawa siya ng paghahatid sa Cherry Mobile Buil­ding, ngunit hindi niya alam kung kanino ito nakalaan.

Una nang gumawa si Garcia ng katulad na pahayag sa pagdinig ng Sandiganbayan Third Division ukol sa kaso ng malversation laban kay Revilla.

Ayon naman kay dating DPWH-National Capital Region director Gerard Opulencia, na tumestigo rin sa korte, may 5 hanggang 10 porsyentong kickback na tinatawag na “pasasalamat” para sa mga opisyal ng DPWH, bukod pa sa 25 porsyentong “commitment” fees.

Sinabi ni Opulencia na pinalalaki ang gastos sa proyekto para isama ang mga bayaring ito habang sinisigurong hindi substandard ang itatayong imprastraktura.

Humingi rin umano si Bernardo ng P360 mil­yon at tinawagan ang mga DPWH engineers na sina Manny Bulusan, Denryl Cortuna, at Arturo Gonzales Jr. upang ihanda ang “commitment” fee.

Magpapatuloy ang pagdinig ng Sandiganbayan Fifth Division sa ­Nobyembre 4.

ROBERTO BERNARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with