^

PM Sports

Quarters berth pakay ni Eala kay Gibson

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Puntirya ni Pinay tennis ace Alex Eala ang quarterfi­nals berth sa pagsagupa kay Talia Gibson ng Australia sa kanilang Round of 16 match sa 2026 Toray Pan Pacific Open ngayong araw sa Tokyo, Japan.

Dalawang beses pinadapa ng 21-anyos na si Eala ang 22-anyos na si Gibson sa kanilang dalawang pagkikita noong 2023 sa ITF tournaments.

Tinalo ng World No. 19 na si Eala ang No. 38 na si Gibson sa W25 Palma del Rio, 6-3, 6-1, sa Spain at maging sa W25 Aldershot, 4-6, 6-4, 6-3, sa England sa ITF noong 2023.

Umabante si Eala sa Round of 16 matapos sibakin ang 17-anyos na si Mika Stojsavljevic, 6-1, 6-2.

Pinatalsik naman ni Gibson ang kababayang si Daria Ka­satkina, 6-0, 7-5, papasok sa Round of 16.

Sakaling manalo kay Gibson ay posibleng mu­ling ma­kakasagupa ni Eala si Russian Dia­­na Shnaider.

Natalo si Eala kay Shnaider, 5-7, 4-6, sa Round of 16 ng Ning­bo Open sa China. 

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with