^

Police Metro

2 siksikang ospital, pinaaaksiyunan sa DOH

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang ospital ang nanawagan ng agarang tulong kay Department of Health (DOH) Secretary Edwin Mercado dahil sa matinding pagsisikip at kakulangan ng pasilidad.

Ito ay ang Calbayog District Hospital at Samar Provincial Hospital na layunin na madagdagan ang kapasidad sa pagtanggap ng mga pasyente at mapahusay ang serbisyong medikal.

Batay sa magkahiwalay na liham na ipinadala sa DOH noong Oktubre 19, 2026, umabot sa 181 ang mga naka-confine sa Calbayog District Hospital, na may otorisadong kapasidad na 75 kama. Habang sa Samar Provincial Hospital sa Catbalogan City ay nasa 200 hanggang 250 pasyente, kahit 100 kama lamang ang otorisadong kapasidad nito.

Ayon kay Dr. Jonathan Gabriel J. Paquit, hepe ng Calbayog District Hospital, patuloy ang pagdami ng mga pasyenteng tinatanggap at nire-refer sa kanilang ospital.

Sinabi naman ni Dr. Jansenn Y. Mutya, OIC-Chief ng Samar Provincial Hospital, na nagdudulot ang pagsisikip ng pagkaantala sa paglilipat ng mga pasyente mula sa emergency room patungo sa mga ward.

Humihingi ang dalawang ospital ng karagdagang kama, pasilidad, kagamitang medikal, medical personnel, at pondo.

Nais din ng Samar Provincial Hospital na maisulong ang pag-upgrade nito sa Level 2, magkaroon ng Level 3 clinical laboratory, at makapagbukas ng Intensive Care Unit (ICU), habang isinusulong naman ng Calbayog District Hospital ang pagtaas ng otorisadong bed capacity at pagpapahusay ng referral system. Naisumite na sa pamahalaang panlalawigan ng Samar ang mga ulat para sa kaukulang aksiyon at pakikipag-ugnayan sa DOH.

DOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with