^

Metro

P50 milyong sa ‘ulo’ ni Bato - Jonvic

Doris Franche-Borja, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P50 milyong sa ‘ulo’ ni Bato - Jonvic
nterior and Local Government Secretary Jonvic Remulla and Philippine National Police (PNP) Police General Jose Melencio Nartatez Jr. announced a P50-million reward for the arrest of Senator Ronald "Bato" dela Rosa, warning that the lawmaker is considered "armed and dangerous," during a press briefing at the PNP headquarters inside Camp Crame in Quezon City on October 23, 2026.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

‘Armed and dangerous’‘Armed and dangerous’

MANILA, Philippines — Nag-alok na ng P50 milyong pabuya ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Biyernes, itinuturing nang “armed and dangerous” si Dela Rosa habang nagpapatuloy ang paghahanap sa senador. Si Dela Rosa ay nahaharap sa arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

Isang linggo naman ang binigay na palugit ng Philippine National Police (PNP) kay Dela Rosa upang sumuko sa mga awtoridad.Bumuo na rin ng 10,000-man Task Force ang PNP upang tutukan ang paghahanap kay Dela Rosa.

Nagtatago umano ang senador mula nang umalis siya sa Senado noong Mayo, kasunod ng pagtatangkang ipatupad ang arrest warrant ng ICC kaugnay ng umano’y papel niya sa mga pagpatay sa ilalim ng kampanya kontra droga ng adminis­trasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Inalis ng ICC ang selyo sa warrant noong Mayo 11, na nagsasaad na may makatwirang batayan upang paniwalaang may pananagutan si Dela Rosa sa krimen laban sa sangkatauhan na pagpatay kaugnay ng kampanya kontra droga.

Huling namataan at pinaniniwalaang nagtatago si Dela Rosa sa Mindanao, kung saan umano siya ay protektado ng isang armado at makapangyarihang grupo.

DILG

RONALD “BATO� DELA ROSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with