^

Police Metro

Misis, tinodas ng mister na sekyu ng kapitolyo

Ludy Bermudo, Angie dela Cruz - Pang-masa

Alitan sa sustento…

MANILA, Philippines — Hindi umabot ng buhay sa ospital ang isang 42-anyos na misis nang malapitan itong pagbabarilin ng kanyang 49-anyos na mister na miyembro ng Provincial Security Group (PSG) ng Rizal Provincial Government sa labas ng Ynares Center complex malapit sa Rizal Provincial Capitol sa Antipolo City noong Huwebes, ng umaga.

Ang nasawing ginang ay isang overseas Filipino worker (OFW) na kauuwi pa lang mula sa Oman noong Setyembre.

Agad na naaresto ang 49-anyos na suspek, na dinisarmahan ng kalibre .45 baril na ginamit sa krimen.

Bago nangyari ang krimen, alas-11:45 ng umaga ay unang nag-usap ang mag-asawa sa Human Resources Management Office (HRMO) ng kapitolyo upang pag-usapan ang pinansiyal na sustento para sa kanilang tatlong anak.

Ayon sa ulat, nais ng suspek na baguhin o bawasan ang sustento (mula sa napagkasunduang P6,000 ay gawing P1,500), bagay na hindi napagkasunduan.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Mark Henry Garcia, hepe ng Antipolo Component City Police Station (CCPS), hindi malinaw ang naging usapan na posibleng nagpainit ng ulo sa suspek nang sabihin ng biktima na ipatatanggal na niya lang ito sa trabaho.

Pagbalik ng suspek sa kanyang nakatalagang puwesto sa gate, nakita niya ang biktima habang naglalakad kasama ang isang kaanak.

Binunot niya ang kanyang dalang baril at pinagbabaril ang biktima na nagtamo ng mga tama sa ulo at katawan.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Sa tulong ng isang rider, nadakip ang suspek na hinabol nang bumalik sa guardhouse ng kapitolyo at mahaharap sa kasong parricide.

Nabatid na isa sa mga anak na pangarap maging flight attendant ang nagbunyag na may 5 taon na hiwalay ang mga magulang dahil sa pananakit sa kanyang ina simula nang sila ay mga musmos pa.

Kabilang sa ibinunyag ng anak na gumagamit ng iligal na droga ang ama.

Panganay umano sa mga anak ang 19-anyos na huminto sa pag-aaral dahil sa wala na ang pera na naipon ng ina.

Nagpaabot ng pakikiramay ang Antipolo City government at Rizal provincial government sa pamilya ng biktima na handang tumulong sa gastusin at legal assistance.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with