Floor exercise gold target ni Yulo
MANILA, Philippines — Papagitna si Pinoy top gymnast Carlos Yulo sa finals ng men’s floor exercise event ng 2026 FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Rotterdam, Netherlands.
Sumegunda si Yulo sa qualifying sa kanyang nakuhang 14.500 points sa ilalim ni Arsenii Dukhno (14.700) ng Russia.
Makakalaban din ni Yulo sa gold medal sina Artem Dolgopyat (14.300) ng Israel, Frederick Richard (14.233) ng USA, Jake Jarman (14.133) ng Great Britain, Yahor Sharamkou (14.100) ng Bulgaria, Noam Bercovich (14.033) ng Israel at Ryosuke Doi (14.033) ng Japan.
Naghari ang 26-anyos na tubong Leveriza, Manila sa floor exercise ng World Championships noong 2019.
Muling tatarget ng gold si Yulo, kumuha ng tig-dalawang ginto sa 2024 Olympic Games sa Paris, France at sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan kamakailan, sa vault finals bukas ng alas-8 ng gabi.
Dalawang beses nagkampeon si Yulo sa nasabing event sa noong 2021 at 2025.
- Latest


















