Brgy. Kagawad tiklo sa shabu
MANILA, Philippines — Nadakip ng mga otoridad ang isang incumbent barangay kagawad matapos salakayin ang kanyang bahay at nakumpiska ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga nang mahigit P7,000 sa Barangay Mataguisi, Pudtol, Apayao, nitong Martes.
Kinilala ang naarestong suspek na isang 42-anyos na kasalukuyang kagawad ng nasabing barangay sa bisa ng isang search warrant sa kanyang tirahan.
Nasamsam sa isinagawang paghahalughog ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu, na may kabuuang timbang na 1.0696 gramo, at tinatayang nagkakahalaga ng P7,273.28.
Nasa kustodiya ng lokal na pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag umano sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest























