Pekeng media pages sa socmed, inireklamo sa NBI

Dahil sa AI generated posts
MANILA, Philippines — Naghailn ng reklamo ang isang kongresista ng Quezon City sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga social media pages na nagpapanggap na lehitimong media outlet para magpakalat ng mga mapanira at gawa-gawang balita at paggamit ng AI generated media para papaniwalain ang publiko.
Nabatid na nitong Biyernes, Oktubre 16, nang magsumite si Quezon City 5th District Representative Patrick Michael Vargas sa NBI-Cybercrime Division ng reklamo at forensic pieces of evidence, kabilang ang mga screenshots, URL digital traces, at preliminary identification ng mga pinaghihinalaang indibidwal at administrators ng Facebook pages.
Sa pahayag ni Vargas nitong Sabado, binalaan niya ang nasa likod ng umano’y “maliscious accounts at trolls networks” na gagamitin ang lahat ng legal na paraan upang matukoy kung sino ang nasa likod ng mga ito, sasampahan ng mga kasong kriminal at administratibo at ipasasara ang kanilang mga account.
Ayon kay Matibag, magsasagawa ng masusing imbestigasyon ang NBI upang tanggalan ng maskara ang mga administrators, content creators at posibleng financier na sumusuporta sa pagpapalabas ng malisyosong kampanya.
- Latest





















