Sikat na aktres naging conservative, sinusunod ang karelasyon
SELOSO pala ang rumored boyfriend ng isang sikat na aktres (hindi na siya young).
Ayon sa aming source, pati pala pananamit ni aktres eh pinakikialaman ni boyfie mula sa isang probinsiya sa south.
Kaya naman si girl, tigil muna sa pagsusuot ng damit na labas ang skin! Nagagalit daw si boyfie at gusto niyang maging conservative ang dating ng aktres.
Masunurin naman si girl. Basta kasama niya si boyfie, hindi siya puwedeng magpaka-sexy na isa siyang artista!
Kaya naman si aktres, super tahimik ngayon at walang ingay pati ang kanyang career dahil parang ipinagpalit ang career sa pag-ibig, huh!
Trentahin na yata si aktres kaya gusto nang lumagay sa tahimik!
Kris, ayaw nang sumawsaw
EDUKADA talaga si Kris Aquino at ang pagiging ina ang kanyang inuuna!
Alam naman ninyo ang kontrobersyal na nangyari sa anak niyang si Joshua.
Hindi muna nagsalita si Kris. Pero maraming nagsalita para kay Joshua na nabulabog dahil sa panlalait sa kanya sa isang platform.
“Irresponsible and uninformed opinions” ang inilabas ni Kris sa kanyang Instagram post at sa maiksing salita, dedma siya. Ayaw niyang ubusin ang energy niya sa mga chismosong ito!
Hayaan na lang gumalaw ang batas para sa mga responsableng taong ito! At least, pinag-usapan sila after 13 years na nasa YouTube, huh!
- Latest




















