^

Probinsiya

Ina sinaksak ng 14-anyos na anak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Nairita sa pangaral

MANILA, Philippines — Sugatang isinugod sa pagamutan ang isang 37-anyos na ina ng kaniyang pasaway na 14-anyos na anak na pinagsabihan nitong mag-aral sa halip na gugulin ang panahon sa pakikipagbarkada sa naganap na insidente sa Brgy. 2, Laoag City, Ilocos Norte nitong Miyerkules.

Base sa report, sinabi ni P/Major Noel Cabacungan, Information Officer ng Ilocos Norte Provincial Police Office (PPO), dakong alas-12:50 ng tanghali ng mangyari ang insidente sa tahanan ng pamilya.

Nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng mag-ina at ng menor-de-edad nitong anak nang mairita at sigawan ng huli ang ina dahilan pinagsabihan siyang ipra­yoridad ang pag-aaral at bawasan ang sobrang pakikipagbarkada.

Ayon sa imbestigasyon, umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan ang ginang na sinundan nang matigas ang ulo nitong anak upang kausapin, pero habang nag-uusap ay bumunot ng patalim at sinaksak sa tiyan ang ina.

Habang sumisigaw ng saklolo ang ginang ay muli itong sinaksak sa dibdib ng kaniyang anak.

Ang ginang ay mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas at sa kasalukuyan ay bumubuti na ang kalagayan nito.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan insidente ang patalim na ginamit ng binatilyo sa pananaksak sa ina.

Samantalang, dinala naman ng mga operatiba ng pulisya ang binatilyo at isinailalim sa imbestigasyon sa himpilan ng Laoag City Police Station at nakikipag-ugna­yan na rin sa City Social Welfare and Development Office dahilan isa itong menor-de-edad.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9344, na inam­yendahan bilang RA 10630, ang mga batang edad 15-anyos pababa ay hindi maaaring panagutin sa kasong kriminal ngunit kaila­ngang sumailalim sa ang­kop na intervention program ng kaukulang ahensiya ng pamahalaan.

ILOCOS NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with