BINI, magkakanya-kanya muna

Nagpaplano na pala ang BINI na magkaroon ng solo projects next year.
Ito ang ini-reveal ng isa sa miyembro na si Maloi sa kanyang latest interview sa vlog na Yani’s Room sa YouTube.
Isa kasi sa natanong sa kanya ay kung napag-uusapan na ba nila na mag-solo tulad ng ibang K-pop group.
Sagot ni BINI Maloi, “oo, actually, next year, parang magve-venture out na kami to solo ganaps.”
Kaya ngayon pa lang daw ay medyo nag-a-adjust na sila since nasanay sila na magkakasama parati for seven years.
“Medyo nag-a-adjust-adjust na kami kasi parang nasanay kami na intact kami, seven years intact kami, ‘di ba?” aniya.
“So, magta-try kami na mag-explore to other fields kung saan man kami komportable o kung saan namin gusto,” dagdag pa niya.
Kasunod nga nito ay natanong siya kung naiisip ba rin niyang subukan ang pag-arte.
“Naiisip ko,” pag-amin niya, “pero naiisip ko rin, ang nagba-bother din sa akin, anong credibility ko, anong experience ko? Parang wala pa akong experience.”
Inamin din niyang isa sa goals niya talaga ang acting. Na-try naman daw niya nang bahagya ang umarte nang um-appear siya sa music video ni Maki at inamin niyang nagustuhan naman niya.
“Masarap sa feeling ko. Feeling ko, para akong nag-a-arts din, para akong nagdo-drawing, ganu’n,” aniya.
Dream daw niyang maka-work ang mga direktor na sina Antoinette Jadaone and Irene Villamor. Sa mga artista naman, bet niyang makatrabaho sina Bela Padilla and JC Santos.
“Parang nao-overwhelm lang ako sa acting. Parang (‘pag) iniisip ko na mag-a-acting ako next year, parang nao-overwhelm lang ako,” sey pa niya.
- Latest























