Reality series na kutis reveal, may rebelasyon

Masayang-masaya ang celebrity dermatologist na si Dr. Kei George Rebolledo, founder ng Kutis By Kei, nang magkaroon ng media launch ang bagong reality series na Kutis Reveal, noong Biyernes ng gabi sa B Hotel, Quezon City.
Aminado si Dr. Kei na matagal na niyang mina-manifest na magkaroon ng ganitong reality series dahil nasa puso niya ang pagiging innovative at ang kagustuhang makapag-offer ng masasabing bago naman sa mga manonood. “I think this is the very first kind of show that will showcase real skin transformation,” pauna niyang sabi sa ilang kaharap na lifestyle at entertainment media..
Ang nasabing reality show ay may 12 participants mula sa 100 auditionees na may iba’t ibang klase ng skin problem.
At ilalahad nila ang kanilang kwento at kung paano sila binigyan ng kaukulang treatment sa Kutis Reveal sa loob ng apat na buwan hanggang maramdaman nila ang pagbabago sa kanilang sarili.
Ipapakita sa show ang journey ng bawat isa mula sa auditions at casting call hanggang sa medical consultations, treatment, healing at final transformation reveal.
Kwento ni Dr. Kei, kabilang sa 12 participants ang isang cancer survivor na may burnt marks dala ng toxic drugs na ginagamit sa chemo sessions.
Meron ding nurse, aspiring actress, LGBT advocate, estudyante at breadwinner na nagtatrabaho sa logistics.
Pero paglilinaw niya, hindi sila nangangakong kikinis sa loob ng isang araw ang, halimbawa na, balat ng may naging acne problem.
Magiging very honest at firm umano ang programa na hindi ito isang miracle show.
“There’s no instant solution when it comes to skin. What really matters is consistency, trusting the process and believing that change is possible,” paliwanag niya.
At dahil iba-iba ang kaso ng participants — may melasma, acne scars, psoriasis, scarring at pigmentation — malawak din ang magiging treatment journey nila gamit ang iba’t ibang derma procedures at technologies tulad ng LDM by Elogio, Rejuran, Blaumann Laser, Sylfirm X, na ia-administer sa pamamagitan ng CurJet at Lenisna.
“No matter how severe your skin condition is, we want people to know that there is hope,” diin ni Dr. Kei. “No one should feel that they have to hide simply because they don’t feel beautiful. We want them to see that they can take back their confidence and, ultimately, take control of their own story.
Patuloy pa niya, “Through the show, I hope viewers experience both the science and the humanity behind every transformation. I want them to understand that meaningful results require the right diagnosis, an individualized treatment plan, patience and trust.
“Their skin condition does not have to define their future,” giit ni Dr. Kei.
Ang mga paggamot ay iniangkop sa partikular na kondisyon ng balat at mga pangangailangan ng bawat kalahok.
Umaasa rin ang dermatologist na maitataguyod ng programa ang mas malalim na pag-unawa sa mga nakikitang kondisyon sa balat at sa mga karanasan ng mga taong may ganitong mga kondisyon.
Umaasa siyang makikita ng mga manonood ang katapangan ng mga kalahok at uuwi silang may sapat na kaalaman at puno ng pag-asa.
Mapapanood na ang Kutis Reveal simula sa Sabado, Oct. 17, 10 a.m., sa Bilyonaryo News Channel (Channel 31) sa ilalim ng direksyon ni Angela Jed Placino.
Samantala, dumalo rin sa Kutis Reveal media launch ang KBK ambassadors na sina Charlie Dizon at McCoy de Leon para suportahan ang passion project na ito ni Dr. Kei.
- Latest
























