^

Probinsiya

Patay sa dengue sa Bicol, pumalo na sa 63

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Patay sa dengue sa Bicol, pumalo na sa 63
Ayon kay Department of Health (DOH)-Bicol Center for Health Deve­lopment assistant regional director Dr. Joel Buenaventura nangunguna sa may pinakamaraming nagkasakit ng dengue ay ang Albay na umabot na sa 4,211 na may 18 nasawi; pumangalawa ang Sorsogon na 3,707 kaso; Camarines Sur na may 2,660; Camarines Norte na may 1,698; Catanduanes, 1,533; habang ang Masbate ay nasa 187 kaso lamang.
STAR / File

15,146 pang kaso naitala

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Umakyat na sa 63 katao ang nasawi dahil sa dengue sa Bicol region habang 15,146 kaso pa ang naitala dulot ng kagat ng lamok na aedis egypti na may dala ng virus.

Ayon kay Department of Health (DOH)-Bicol Center for Health Deve­lopment assistant regional director Dr. Joel Buenaventura nangunguna sa may pinakamaraming nagkasakit ng dengue ay ang Albay na umabot na sa 4,211 na may 18 nasawi; pumangalawa ang Sorsogon na 3,707 kaso; Camarines Sur na may 2,660; Camarines Norte na may 1,698; Catanduanes, 1,533; habang ang Masbate ay nasa 187 kaso lamang.

Dahil sa dengue outbreak sa Albay, nanawagan si Ako Bicol Cong. Alfredo Garbin Jr. na tumulong na ang mamamayan sa mga programa ng DOH-Bicol CHD na sugpuin ang dengue.

Hiniling ni Garbin sa Department of Labor and Employment 5 na gamitin ang programa sa TUPAD upang labanan ang sakit.

Sa Legazpi City na may pinakamaraming kaso ay ginamit ang mahigit 3-libong benepisaryo sa Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced Workers para sa malawakang paglili­nis sa pinamumugaran ng lamok.

Sa orientation kahapon ng 2,000 na benepisaryo ng TUPAD program sa bayan ng Camalig, hiniling ni Garbin na tutukan ang paglilinis sa pinaniniwalaang mga breeding grounds ng lamok.

DENGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with