^

Metro

Photographer nilooban, P1.9 milyong gamit tinangay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 38-anyos na construction worker sa pagnanakaw ng P1.9-milyong halaga ng photographic at audiovisual equipment sa isang home studio sa Barangay Bagong Silang, Mandaluyong City, sa ulat nitong Sabado.

Sa ulat ng Mandaluyong City Police Station, ang suspek na si alyas “Winren,” residente ng lungsod, na ang suspek ang natukoy na dumaan sa nakabukas na bintana ng storage room ng home studio, alas-12:00 ng tanghali ng Oktubre 8, na tumangay sa kagamitan na pag-aari ng 51-anyos na photographer, sa Barangay Bagong Silang, Mandaluyong City.

Sa tuluy-tuloy na follow-up investigation at manhunt operations, nadakip ang suspek ng mga tauhan ng Mandaluyong CPS Intelligence Unit, Warrant and Follow-Up Section, Police Sub-Station 7, at Criminal Investigation Unit (CIU), ng Eastern Police District.

Nagresulta rin ang operasyon sa pagbawi ng ilang ninakaw na gamit, kabilang ang tatlong Profoto B10x Plus units, isang Hasselblad 503CX camera, isang Profoto Connect Plus, tatlong Profoto extra batteries, isang Holly­land Venus Liv Air, Hollyland Pyro Transmitter units, isang Accsoon Transmitter, isang Bose speaker, at isang digital camera back. Batay sa progress report, may ilang nabawing kagamitan na naiulat na may sira, habang ang digital camera back ay hindi kumpleto.

Nahaharap na sa reklamong robbery ang suspek sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with