^

PSN Opinyon

Budget ng General Hospital sa Pontevedra plantsado na!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Mukhang unti-unti nang natutupad itong mga panalangin­ ni Capiz Governor Fredenil “Oto” Castro para sa mga proyektong kapaki-pakinabang para sa mga Capizeño sa ilalim nang administrasyon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kung sabagay hinay-hinay lamang ang pagkasakatuparan nito dahil alam naman nating kulang na kulang ang budget ng pamahalaan at idinadaan muna sa masusing ebalwasyon ng mga proyektong nais pondohan ng milyun-milyong naiprograma na ni PBBM matapos ang masalimuot na pagkalusaw ng ‘datung’ sa kaban ng bayan na kasalukuyang ginigiling ng Ombudsman at Senate Blue Ribbon Committee. Get n’yo mga suki?

Subalit kahit na masalimuot at tila dadaan sa butas ng karayom abay, hindi nawawalan ng bisa itong mga dasal ni Capiz Gob. Castro dahil ang sugo ng Dios na si PBBM ay bukas ang mga kamay na ipagkaloob ang pundo ng mga proyektong nakatengga at kasalukuyang ginagawa na. Hehehe! Hindi naman kaila sa mga kababayan ko itong kapaki-pakinabang na Capiz Medical Center diyan sa may Barangay Lanot, Roxas City na halos matatapos na at ang hinihintay na lamang ay ang pagdating ng mga ‘hi-tech’ na mga equipment at aparatus upang mabuksan at mapakinabangan na ng mga Ilonggong Capizeños.

Ang huling balitang naiparating sa inyong lingkod, plan­tsado na pala ang P100 milyong budget para sa ipapatayong General Hospital sa Pontevedra matapos na suportahan ito ng Department of Health (DOH) Western Visayas. Hehehe! Palakpak naman diyan mga suki kong taga-Kaguyuman, malaking tulong ito sa mga taga Pontevedra at karatig na mga bayan dahil sa kategoryang Level II Hospital na may 100 bed capacity. Ganire iyon mga suki, personal na nagbisita sa tanggapan ni Capiz Gov. Oto Castro nitong October 6, 2026 si DOH Western Visayas Center for Health Development Regional Director Dr. Mar Wynn Belo dala-dala ang magandang balitang mayroon ng pondong P100 milyon ang proyektong ipagpapatayo ng Capiz General Hospital. Oras na maisakatuparang ito, siguradong magiging pangalawa na itong pinaka-modernong ospital sa Capiz. Palakpak naman dyan mga suki!

Sa unang bahagi ng proyekto paninimulan muna ito ng pagpapatayo ng Outpatient Department, Emergency Room, Laboratory at Wards upang maakapagserbisyo na ito sa mga Capizenos. Ayon sa source, ang 12,000 square meter na lupain ay nai-donate ng isang pamilya sa pamamagitan ng inisyatibo ni 1st District Congressman Ivan Howard Guinto. Kaya’t patuloy na sa ngayon ang mga legal na pagproseso sa donasyon ng lupa, lakip na riyan ang Letter of Intent, Memorandum of Agreement at Deed of Donation. Syempre kasama rin diyan ang inasyatibo nina Dr. Mary Joy D. Castro at Engr. Dubhe Lynn Guarnes ng DOH Western Visayas at Capiz Provincial Health Office sa pangunguna ni Dr. Alex Nolasco. Abangan!

HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with