^

Probinsiya

Negosyante nasakote sa puslit na yosi

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Negosyante nasakote sa puslit na yosi
Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 10643 ang suspek na kinilalang si alyas “Sev,” 55-anyos, binata, negosyante, at residente sa naturang lugar.
STAR / File

Bagamanoc, Ca­tanduanes, Philippines — Kalaboso ang isang negosyante matapos na maaresto sa buy-bust operation ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group at makuhanan ng mga smuggled cigarettes na pinaniniwalaang nagmula sa China sa Brgy. San Vicente-Minaili, Bagamanoc, ­Catanduanes kamakalawa ng hapon.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 10643 ang suspek na kinilalang si alyas “Sev,” 55-anyos, binata, negosyante, at residente sa naturang lugar.

Sa ulat, nakipagtransaksyon umano ang suspek sa isang undercover agent ng CIDG-Catanduanes Provincial Field Office. Bandang alas-5:30 ng hapon katuwang ang mga kasapi ng Bagamanoc Municipal Police Station at PNP Maritime Group ay agad ikinasa ng CIDG-Catanduanes PFU sa pangunguna ni provincial officer Major Joseph Osurman.

Agad inaresto ng mga operatiba ang negosyante nang tanggapin ang buy bust money at makuha ng mga pulis ang ilegal na mga kontrabando.

Maliban sa boodle money na ginamit sa buy bust ay nabawi ng CIDG ang apat na malalaking karton na may lamang 140 reams ng mga si­garilyo na may brand na Concord at Carnival. Wala umanong naiprisintang dokumento ng naturang kontrabando ang suspek.

CIGARETTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with