Mister timbog sa entrapment, baril nakumpiska
CAVITE, Philippines — Arestado ang isang mister sa isinagawang entrapment operation ng pulisya, kamakalawa ng gabi sa Brgy Emmanuel Bergado 1, Dasmariñas City, Cavite.
Nasamsam sa suspek na kinilalang si alyas “James,” nasa hustong gulang ang 1 cal .38 na baril na walang serial number at mga bala nito.
Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang magkasa ng entrapment ang Dasmariñas City Intelligence Operatives laban sa suspek matapos makatanggap ng impormasyon na nagbebenta ito ng mga baril na walang kaukulang papeles.
Agad naaresto ang suspek na kasalukuyang nakakulong at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearm and ammunition.
- Latest



















