Robb, sumagot sa hiwalayan nila ni Yasser!

Kinumpirma ni Robb Guinto sa isang Facebook Reel na hiwalay na sila ni Yasser Marta, at itinanggi ang isyung hindi siya naging tapat sa relasyon.
Sa emosyonal na post, sinabi ni Robb na nasasaktan siya dahil naisapubliko ang personal nilang problema at naapektuhan na pati ang pamilya niya. “Dapat kami na lang ang nag-usap. Bago siya nagsabi in public, dapat ako muna ‘yung kinausap niya. Dapat kinonsider niya ‘yung feelings ko,” aniya.
Umapela rin si Robb na makipag-usap sa kanya si Yasser nang pribado para maayos ang lahat, sa halip na idaan sa interview.
Nilinaw rin niyang hindi niya niloko ang aktor. Paliwanag niya, naging abala lang siya sa rami ng responsibilidad – bahay, kotse, bills, pasahod sa mga tauhan, at negosyong sinimulan para sa future nila. “Alam niya na marami akong responsibilidad... Hindi naman ito para sa akin lang, ginagawa ko ito para sa future namin,” giit niya.
Matatandaang naunang inihayag ni Yasser sa Fast Talk With Boy Abunda na may problema sila ni Robb, kung saan nag-post naman si Robb na sana ay bigyan sila ng respeto at pribadong espasyo..
Mavy, tinapatan ng todong workout ang pagkatsugi sa PBB
Naghihintay ang netizens sa magiging official statement ni Mavy Legaspi tungkol sa pagkawala niya bilang isa sa hosts sa bagong season ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 3.0.
Na-announce na si Michael Sager ang bagong host na kasama sa PBB Collab 3.0.
Pero mas abala ngayon si Mavy sa kanyang fitness goal sa taong ito. Kaya dedma muna siya sa anumang issue. “Napapagod na ko sa 6-pack ko so I’m working on my 12-pack! Definitely right now, since in a few months’ time, mag-26 na kami ni Cassy. So I’m trying to bring in something different for the audience,” sey niya.
Na-share ni Mavy kung paano naging positibong impluwensya sa buhay niya ang fitness journey, na nagbigay-daan hindi lang para maabot ang body goals kundi mas makilala pa ang sarili. “I’m very focused right now with my fitness journey. Very disciplined. And it takes time. So I wouldn’t say I’ve been taking time off. But at the same time, I took time off because gusto ko nga i-work ‘yung fitness journey ko. It’s been nothing but the best, and I’ve discovered a lot of things about myself,” kwento niya.
Ibinahagi rin ni Mavy kung gaano siya ka-proud at ka-excited na maabot ang matagal na niyang pangarap. “At least ‘yan ‘yung siguro masasabi kong one of my biggest achievements in a long time because matagal na ‘yun naka-delay.
“Like, dine-delay ko palagi ‘yung grind ko sa fitness journey ko. Tapos never ako naging consistent. But now, mentally, parang I’m more focused now with that and mas kuha ko na ‘yung disiplina.”
Marvel actor Simu Liu, may asawa na!
Opisyal nang mag-asawa ang Marvel actor na si Simu Liu at ang kanyang fiancée na si Allison Hsu.
Nitong weekend, ikinasal sina Simu at Allison sa Paris kung saan naganap ang engagement nila noong May 2025. Magkasama na ang dalawa mula pa noong 2022.
Sa isang Instagram post, nagpahayag si Simu ng pagmamahal kalakip ang kissing pic: “From weekends in Paris, day trips to Palm Springs, long nights on set, afternoons vegging on the couch and everything in between, I choose you forever and always.”
Si Simu Liu ay sumikat sa Canadian sitcom na Kim’s Convinience in 2016. Siya ang kauna-unahang Asian actor na naging bida sa isang Marvel film, Shang-Chi and The Legend of the Ten Rings in 2021. Kumita ito ng $432 million sa worldwide box office. Ang sequel ay naka-schedule sa 2028.
Mapapanood din si Simu sa Avengers: Doomsday na ipapalabas sa December 2026.
Lumabas din si Simu sa mga pelikulang Barbie, Atlas, Arthur The King, One True Loves, Jackpot!, Simulant and Last Breath.
- Latest





















