^

Metro

LRT-2 pagagandahin; biyahe, babawasan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas pagagandahin ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang Train Operating Control Panel (TOCP) ng LRT Line 2 (LRT-2) para palitan ang lumang analog system ng digital technology at mapahusay ang onboard Public Address System.

Dahil sa limang araw na upgrade sa bawat tren, siyam na tren lamang ang bibiyahe mula Martes hanggang Linggo. Tuwing Lunes, lahat ng 10 operational na tren ay ide-deploy para matugunan ang dagsa ng mga pasahero.

Ayon sa LRTA, maaaring bahagyang humaba ang waiting time at dumami ang pasahero sa ilang istasyon dahil sa limitadong bilang ng tren. Magpapatupad naman ito ng crowd control at passenger assistance measures upang ma­panatili ang maayos na daloy ng mga biyahero.

Ito ang unang pagkakataon na papalitan ang TOCP mula nang magsimula ang operasyon ng LRT-2 noong 2004.

LRTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with