^

Probinsiya

130 motor ipinamahagi ng DILG sa Calabarzon

Ed Amoroso, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
130 motor ipinamahagi ng DILG sa Calabarzon
Mismong sina DILG Sec. Jonvic Remulla, at PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang nanguna sa turnover ng 130 na Unified 911 Emergency Res­ponse motorcycles para sa iba’t ibang police station sa Calabarzon na ginanap sa covered court ng PRO4A command sa Calamba City, Laguna, kahapon.
Ed Amoroso

Para sa mas mabilis na responde

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Upang lalong mapabilis ang pag­responde ng kapulisan, namahagi ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng 130 motorsiklo sa iba’t ibang police stations sa iba’t ibang lalawigan sa Calabarzon region.

Pinangunahan nina Interior Secretary Jonvic Remulla at Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang turn-over ceremony para sa 130 Unified 911 Emergency Response motorcycles na isinagawa sa covered court ng Police Regional Office 4A command sa Calamba City, Laguna, kahapon ng umaga.

Sina DILG4a regio­nal director Ariel Iglesia, Napolcom-Calabarzon Owen De Luna, Laguna Governor Sol Aragones, Sta. Rosa City Mayor Arlene Arcillas, iba pang mga lokal na alkalde at isang kinatawan ni Batangas Governor Vilma Santos ay kabilang sa mga bisita upang masaksihan ang makabuluhang kaganapan.

Ani Remulla, ang malaking bahagi ng problema sa police mobility ay nakatuon sa mga patrol car, habang mas mara­ming pulis ang maaari­ng makinabang sa paggamit ng mga motorsiklo, lalo na sa mga lugar na masikip at mahirap madaanan ng malalaking sasakyan sa buong Pilipinas.

Binigyang-diin naman ni Calabarzon police director, Brig. Gen. Dominic Baccay, na ang mga bagong motorsiklo ay hindi lamang karagdagang kagamitan kundi isang mahalagang instrumento upang maging mas mabilis at mas malapit ang serbisyo ng pulisya sa mga mamamayan at komunidad, mas epektibo, tumutugon sa mas malakas na kakayahan ng pulisya, mas epektibong pag-iwas sa krimen, at pagtugon sa emergency.

Sa Laguna, pina­ngunahan ni Gov. Sol Aragones at police provincial director Col. Sandro Jay Tafalla ang pagtanggap ng 30 motorsiklo na balak gamitin sa apat na bayan at isang lungsod sa lalawigan.

Naglaan din ang DILG ng tig-30 na motorsiklo para sa pulis sa mga lalawigan ng Batangas at Quezon, habang 40 pa sa Rizal.

Mula sa Calamba, nagtungo sina SILG Remulla at Nartatez Jr. sa Quezon province, at kasama si Quezon Go­vernor Dra. Helen Tan ay pinangunhan ang pag-turnover ng 30 motorsiklo para sa Quezon Police Provincial Office (QPPO).

Pinuri naman ni Remulla sa seremonya ang Quezon provincial go­vernment sa pamumuno ni Gov. Tan at ang hanay ng QPPO sa magkatuwang na pagpapatupad ng mga programang may kaugnayan sa peace and order.

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with