PNP pinag-iingat mga tauhan vs ‘Very Strong El Niño’

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhang naka-duty sa labas laban sa matinding init dulot ng Very Strong El Niño.
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan niya ang mga police commander na tiyaking ligtas ang mga pulis, lalo na ang matagal na nakatalaga sa labas.
Ipinag-utos din ni Nartatez ang pagrepaso sa deployment plan at paggamit ng rotational shifts upang mabawasan ang pagkakalantad ng mga tauhan sa init.
Pangunahing tututukan ang mga pulis na naka-duty sa patrol, traffic management, seguridad at iba pang outdoor operations upang maiwasan ang heat-related illness.
- Latest
















